Ang Nakaraan...

Noong unang panahon, sa isang kaharian (este opisina) sa may Ortigas, may isang prinsesang ubod ng sungit. Ang hobby nya, hulaan nyo - oo, magsungit! Sa araw-araw na lamang na ginawa ng Panginoon ay walang kupas ang kanyang pagsusungit.

Isang araw, nakilala nya ang isang prinsipeng tanyag sa kakulitan. Ang kulit! Paulit-ulit...

Mula noon, ang masungit ay masungit pa rin. At ang makulit ay makulit pa rin.

Ang hindi nila alam, sadya palang pinagtagpo sila ng tadhana at may plano sa kanila ang Panginoon. Bukod sa magsungit. At mangulit. Together... Yihee!

Pagsusulit:


1. Anong kaharian ang nabanggit sa kwento?
  1. Ortigas
  2. All of the above
  3. None of the above
2. Sino ang masungit?
  1. Ang prinsesa
  2. All of the above
  3. None of the above
3. Sino ang makulit?
  1. Ang prinsipe
  2. All of the above
  3. None of the above